Posts

Showing posts from August, 2018

Nagkamali

Nagkamali -Written By Mervin -August 14, 2018 -Quezon City, Philippines -1:10PM Ako ay nagkamali, Di ko inisip ang pedeng mangyari, Ngunit ito ay mula sa aking isip na aking sinipi, Sinipi ko ang bawat iniisip, Kayo ay nabigyan ko ng kislap, Parang nagdidilim na ulap, Sana ang bagyong ito ay lumipas, Upang ang araw ay sisibol din sa wakas, Ang alon ay titigil maging ang mga hampas.

END OF THE WORLD - Written By C. Santillan

END OF THE WORLD kung mundo ma’y matapos na, sasabihin ko na sa’yong mahal kita. pero kahit ang paggunaw nama’y hindi pa, sasabihin pa ring mahal na mahal ka. mundo ma’y matapos bukas, mamahalin kita ng wagas. umulan, umaraw, tagsibol, taglagas, mamahalin ka sa nang higit sa bawat araw na lumipas. dahil daig pa paggunaw ang dating mo sa puso ko. daig pa ng lindol, kidlat o nag-uumpugang bato! ang pag-ibig nati’y walang makakatalo, matapos at matapos man ang buhay sa mundo. kung kaya’t mundo man ay magunaw, hinding-hindi ako magpapasilaw. dahil sa pag-ibig mo’y may bukas pa akong matatanaw, dahil sa pag-ibig mo’y mundo ko’y muling gagalaw. ©  C.S