END OF THE WORLD - Written By C. Santillan
END OF THE WORLD
kung mundo ma’y matapos na,
sasabihin ko na sa’yong mahal kita.
pero kahit ang paggunaw nama’y hindi pa,
sasabihin pa ring mahal na mahal ka.
mundo ma’y matapos bukas,
mamahalin kita ng wagas.
umulan, umaraw, tagsibol, taglagas,
mamahalin ka sa nang higit sa bawat araw na lumipas.
dahil daig pa paggunaw ang dating mo sa puso ko.
daig pa ng lindol, kidlat o nag-uumpugang bato!
ang pag-ibig nati’y walang makakatalo,
matapos at matapos man ang buhay sa mundo.
kung kaya’t mundo man ay magunaw,
hinding-hindi ako magpapasilaw.
dahil sa pag-ibig mo’y may bukas pa akong matatanaw,
dahil sa pag-ibig mo’y mundo ko’y muling gagalaw.
© C.S
Comments
Post a Comment